永續DIY繪本

  • 繪本
2026/09/30

Munting Picture Book na 《Halika Maupo Ka Muna》

Ang pamilyar na tunog na “ding-dong!” ay nagmula sa pinto ng 7-ELEVEN doon sa kanto.

“Nandito ka na! Ano ang gusto mong inumin ngayong araw na ito?” and mainit na pagbati ng staff

“Dito ka maupo! Ipinagtabi na kita ng upuan.” Masayang nagkukuwentuhan ang mga nakatatanda at kanilang mga kaibigan.

Ang 7-ELEVEN ay parang isang pinakamabait na kapitbahay sa kanto!

 

Iba’t ibang tao, iba’t ibang buhay—lahat sila ay nakahanap ng komportableng lugar para magpahinga sa tindahang ito na laging maliwanag. Tingnang mabuti ang picture book - sinu-sino kaya ang dumalaw at naupo rito ngayong araw?

Pahinga para sa nag-aaruga|Matapos ang maghapong pag-aasikaso, maglaan din ng oras para sa sarili.

Ginhawa sa banyagang lupa|Ang pamilyar na lasa mula sa sariling bayan, ginagawang mas malapit ang distansya.

Dagdag-lakas sa lungsod|Magpalakas muna para patuloy na sumulong.

Ligtas kahit na hatinggabi|Ang pamilyar na liwanag, kasama mo sa daan pauwi.

Sosyalan ng mga nakatatanda|Maupo, magkape, at magkipagchikahan tungkol sa buhay.

Hangout pagkatapos ng klase | Pumili ng meryenda, magkuwentuhan tungkol sa maliliit na masasayang sandali ng araw.

 

Oras ng Pagbabasa: 《Halika Maupo Ka Muna》!Hindi lamang ito isang kuwento— kundi isang magiliw at inklusibong paglalakbay mula sa ating  pang-araw-araw na buhay!

 

Inaanyayahan ang mga bata na pagmasdan ang sitwasyon ng iba’t ibang tao sa buhay at pag-isipan: Kung ikaw, ano ang dahilan mo para dumalaw at maupo rito ngayon?”

 

◆Samahan ang iba’t ibang tauhan sa pagpasok sa 7-ELEVEN, tuklasin ang sari-saring grupo at paraan ng pamumuhay sa komunidad.

◆Magsimula sa isang upuan at isang simpleng pagbati, upang matutong unawain ang pangangailangan ng bawat isa, at madama ang malasakit at kabutihan

 

Sabay-sabay na inilunsad sa limang wika

Chinese. English.Vietnamese.Indonesian. Filipino   Basahin sa wikang pamilyar sa iyo, para ang bawat pagbati ng 《Halika Maupo Ka Muna》ay mas maglapit sa atin sa isa’t isa.

 

《Halika Maupo Ka Muna》

Munting Picture Book na 《Halika Maupo Ka Muna》

★I-download at i-print mula sa cloud:https://user169830.pse.is/9p7uka

★ ibon printing codes:

Chinese version:01C2026211

English version: 01C2026212

Vietnamese version: 01C2026213

Indonesian version: 01C2026214

Filipino version:01C2026215

 

Sa pamamagitan ng pagbabasa, pagmamasid, at pagbabahagi, kilalanin natin ang magkakaibang pangangailangan ng bawat tao. Matututo rin tayong umunawa at gumalang sa isa’t isa, at madama sa ating pang-araw-araw na buhay ang kabaitan, pagkakaiba-iba, at pagiging inklusibo.

 

*Para sa mas detalyadong mekanika ng aktibidad, mangyaring sumangguni sa opisyal na anunsyo ng Foundation.Sa paglahok sa aktibidad na ito, itinuturing na kinikilala at tinatanggap ng mga kalahok ang mga paalala at kaugnay na patakaran ng aktibidad. May karapatan ang Foundation na amyendahan, ipagpaliban, o tapusin ang aktibidad anumang oras. Para sa mga hindi nakasaad dito, ang mga opisyal na anunsyo ng Foundation ang paiiralin. Ang Foundation ang siyang may huling karapatan sa interpretasyon at pagpapasya.

 

[Pahayag sa Copyright]

Ang picture book na ito at mga DIY na materyales ay pag-aari ng copyright ng Uni-President 7-ELEVEN Good Neighbor Cultural and Educational Foundation. Pinahihintulutan lamang ang paggamit nito sa buo at orihinal na anyo para sa di-komersyal na layunin, basta’t malinaw na nakasaad ang pinagmulan at may-ari ng copyright. Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang pagbabago, pag-aayos, adaptasyon, paghahati-hati, bahagyang pagkuha ng teksto o larawan, o pagsasama sa iba pang akda, karakter, o pangalan, pati na rin ang pagsasama nito sa personal na produkto.